
Namahagi ng 3-in-1 Christmas gifts ang nasa 100,000 pamilya sa buong 2nd district ng Misamis Occidental.
Mismong si Misamis Occidental Representative Ando Oaminal ang namahagi ng mga noche buena items sa kaniyang mga constituents.
Ayon kay Congressman Oaminal kaniya itong sinimulan sa Ozamiz City kung saan bukod sa kaniyang noche buena items nakatanggap din ang mga constituents nito na regalo mula kay mayor Indy Oaminal at Gov. Henry Oaminal.
Ang nasabing christmas gift giving ay tinawang na “Pamaskong Handog” para sa kanilang mga constituents na isang annual “tradition” ng pamilya Oaminal na kanilang binubuksan ang kanilang tahanan para duon sa mga nag carolling.
Ngunit pinalawak na ito ngayon sa pamamagitan ng pamamagitan ng pamamahagi ng mga noche buena items.
Ang nasabing gift giving ay sinimulan nuong December 8,2022.
“It has been a family tradition for us to find fellow Ozamiznons and Misamisnons in our doorstep during this season every year, and even more of them would arrive just before Noche Buena. As a family we always made sure that they feel welcome, and we want to extend that spirit of homeliness and giving to the entire province of Misamis Occidental,” pahayag ng nakatatandang Oaminal.
Sa panig naman ni Rep. Ando, kaniyang tinupad ang pangako mabigyang ng regalo ang bawat pamilya ng kaniyang distrito.
“It’s a privilege to be trusted by the Misamisnons in my district, and I’m intent on returning their appreciation for my service,” pahayag ni Rep. Ando.
Ayon naman kay Ozamiz City Mayor Indy Oaminal, kaniyang tiniyak na kaniyang ipagpapatuloy ang tradisyon ng kanilang pamilya ang gift-giving tradition.
“With Papa and Ando, we’re hoping we can bring to the people three times the love and happiness this Christmas,” wika ng alkalde.
Nasa 180,000 pamilya sa probinsiya ang nabigyan ng pamasko allocations.
Nasa 100,000 pamilya naman ang nabiyayaan ng regalo sa 2nd District ng Misamiz Occidental at 40,000 pamilya sa siyudad ng Ozamiz.
“We want every Misamisnon to not have to worry about where and how they will get their noche buena and media noche feast. Easing them of this burden will give them the opportunity to enjoy the festivities of this blessed holiday with their families,” pahayag ni Gov. Oaminal.










