-- Advertisements --
KORONADAL CITY – Nagkukulang na ng supply ng oxygen ang mga malalaking ospital sa buong Mindanao, ayon kay Dr. Conrado Braña.
Sinabi ito ni Braña, chief ng South Cotabato Provincial Hospital sa panayam ng Bombo Radyo Koronadal.
Pahirapan na aniya sa ngayon ang pagkuha ng supply oxygen dahil maging ang mga suppliers ay nauubusan na rin.
Ito ang nakikita niyang dahilan kung bakit may namatay na ilang COVID-19 patients sa hospital dahil .
Sa ngayon maging ang ICU ay punuan na rin, bukod pa sa mga COVID-19 wards at holding area ng South Cotabato Provincial Hospital.