-- Advertisements --

Binisita ng mga tauhan ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ang ilang Pilipino sa mga ospital sa Tel Aviv, Israel, matapos ang naganap na palitan ng airstrike sa pagitan ng Israel at Iran.

Dinalhan ang mga OFW ng relief packages at tinulungan din ang mga ito makakuha ng iba pang benepisyo sa lugar.

Sa kabilang banda isang Filipino naman ang nasa kritikal na kalagayan matapos sumailalim sa dalawang operasyon at kasalukuyang ginagamot sa ICU ng Shamir Medical Center. Pitong iba pang Pilipino ang nailabas na matapos gamutin sa mga minor injuries.

Samantala aabot naman sa 149 na Pilipino ang nawalan ng tirahan dahil sa epekto ng missile, 131 sa kanila ay nailipat na sa temporary shelters, at 18 ay nasa proseso ng resettlement. Sa kabuuan, 567 na Pilipino ang nakatanggap na ng tulong ng pamahalaan.

Inaasahan namang 75 na Pilipino ang ire-repatirate ng embahada sa Israel.