Tinututukan ngayon ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ang development sa daalwang Pilipino na nananatiling nawawala sa gitna ng giyera sa pagitan ng pwersa ng Israel at militanteng Hamas.
Ayon kay OWWA Administrator Arnell Ignacio, wala pang updates kaugnay sa kinaroroonan ng nawawalang mga Pilipino sa Israel.
Subalit umaasa ang ahensiya ng milagro para mahanap na sa lalong madaling panahon ang mga unaccounted na mga Pinoy.
Sinabi naman ni OWWA Administrator iganacio na personal na nagtungo sa Maynila ang pamilya ng isa sa nawawalang Pinoy upang mamonitor ang developments.
Samantala, inaasikaso na ang pamamahagi ng tulong para sa pamilya ng 4 na mga Pilipino na una ng kinumpirmang nasawi sa Israel.
Ayon kay OWWA Admin Ignacio, magbibigay ang ahensiya ng P50,000 na tulong habang ang DMW naman ay magbibigay ng karagdagang P50,000.
Pinoproseso na rin ng mga awtoridad ang repatriation sa mga labi ng mga Pilipino.