Tinaasan pa ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ang scholarship slot para sa mga kabataang Pilipino.
Ito ay doble ng kabuuang 2,500 na slot na kanilang binuksan sa mga nakalipas na taon.
Ayon kay OWWA Adminstrator Arnel Ignacio, ang pagdoble sa bilang ay upang mabigyan ng pagkakataon ang mas maraming mga kabataan na maka-avail ng libreng edukasyon sa ilalim nito.
Wala namang pagbabago sa mga kwalipikadong benepisyaryo ng naturang programa, kung saan kailangang ang mga ito ay dependents ng mga aktibong OFW.
Samantala, sa ilalim ng scholarship program ng OWWA ay makakatanggap ng P60,000 na financial assistance ang mga scholars kada taon, sa ilalim ng Education for Development Scholarship Program o EDSP
Para sa mga scholars na nasa ilalim ng OWWA Development Scholarship Program (ODSP), ang ibibigay na assistanceP20,000 kada taon.
Habang sa mga estudyante na nasa ilalim ng Educational Livelihood Assistance Program (ELAP), ay makakatanggap naman ng P5,000 to P15,000.