KORONADAL CITY – Nakahandang magbigay ng anumang tulong na kakailanganin ang pamumuan ng Overseas Workers Welfare Administration Region 12 sa pamilya ni Sergeant First Class Cydrick Garin, ang Pilipinong miyembro ng Israel Defense Forces (IDF) na kabilamg sa 21 na mga sundalong nasawi sa operasyon sa Gaza.
Sa panayam ng Bombo Radyo Koronadal kay Overseas Workers Welfare Administration Region 12 -OIC RD Christelyn R. Caceres ipinasiguro nitong makakatanggap ng tulong ang pamilya ni Sgt. Garin.
Kung maaalala, ang mga magulang ni Garin ay kapwa Pilipino na kung saan ang kanyang ina ay tubong Isabela na nakatira ngayon sa Tel Aviv habang ang kanyang ama ay mula sa dito sa SOCKSARGEN area.
Si Garin ay ipinanganak sa Pilipinas at nandayuhan sa Israel kasama ang kanyang ina na si Imelda noong siya ay dalawang taong gulang pa lamang.
Kasama si Sgt. Garin sa 21 na mga Israeli Defence Forces (IDF) na namatay sa opesiba ng bansang Israel nang atakehin ang mga ito ng Palestinian Militants sa Gaza noong Enero 22.
Samantala, napuno naman ng iyakan at pagdadalamhati ang paghatid sa huling hantungan kay Sergeant First Class Cydrick sa Tel Aviv .
Ang libing kay Garin sa Tel Aviv ay dinaluhan ng kanyang ama na bumiyahe mula Tupi, South Cotabato paluntamg Israel noong Miyerkules, mga kaibigan, pamilya, at kasamahan na pinarangalan siya para sa kanyang katapangan at sakripisyo.
Malungkot man ang mga kamag-anak nito sa Soccksargen sa nangyari sa kamya ngunit proud pa rin kay Sgt. Garin.