Tiniyak ng Office of the Vice President (OVP) na magiging aktibo rin ang tugon nito sa mga nangangailangan ng tulong at sinalanta ng bagyong Ulysses.
“The Office of Vice President Leni Robredo has set in motion its efforts to help communities reeling from the effects of Typhoon Ulysses,” pahayag ng OVP.
Ayon sa ahensya, mismong si Vice President Leni Robredo ang nangunguna sa pagtanggap ng mga request para iligtas ang mga pamilya at indibidwal na stranded sa mga binahang lugar sa Metro Manila tulad ng Marikina City, at mga kalapit na lalawigan gaya ng Rizal.
Nakikipag-ugnayan na rin daw ang OVP sa ibang government agencies para mapadali ang rescue operations. Pati na sa private sector para naman sa karagdagang sasakyan para makapang-likas pa ng mga stranded.
“The OVP is in coordination with government agencies conducting rescue operations, to whom these requests are referred. We are also working with private partners to provide much needed assets, like trucks and boats, to affected areas.”
“We are likewise monitoring areas in need of immediate assistance. The Office has touched base with affected LGUs to inquire about the urgent needs in their respective communities, and commits to immediately respond to the best of our limited resources, and with support from partners and donors.”
Mula Miyerkules ng gabi, maingay nang nanawagan ng tulong si Robredo, sa pamamagitan ng kanyang Twitter page, sa publiko para tulungan ang mga maaapektuhan ng bagyo.
Nitong hapon nang mag-aerial inspection si Pangulong Rodrigo Duterte sa ilang naapektuhang lugar sa Metro Manila, matapos dumalo sa 53rd ASEAN Summit.
Home Top Stories
OVP tiniyak ang tulong ni Robredo sa mga sinalanta ng bagyong ‘Ulysses’
-- Advertisements --