-- Advertisements --

Lalo pang pinalakas ng Office of the Vice President (OVP) ang mga programa nito para matugunan ang mga lumalapit at humihingi ng tulong sa mga opisina ni VP Sara Duterte-Carpio.

Sinabi ni Atty. Reynolds Munsayac, tagapagsalita ni VP Sara, nakipag-alyansa ang kanilang tanggapan sa Department of Health (DoH) para sa medical assistance.

Maliit lang daw kasi ang pondo ng OVP kung kaya’t kailangan nito ng tulong ng ibang ahensiya ng pamahalaan.

Simula kahapon, ang mga lalapit sa OVP na walang pambayad sa hospital ay kanilang tutulungan para iendorso sa DOH.

Ang mga nangangailangan naman ng financial assistance ay ilalapit nila sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Humingi na rin sila ng pondo para sa Assistance to Individuals in Crisis Situation.

Sa ngayon, nakapagproseso na ang tanggapan ni VP Sara ng 5,645 applications kung saan lumapit ang mga ito sa kanilang pitong satellite offices.

Umabot na sa mahigit pitumput tatlong milyong piso ang naibigay na halaga na tulong mula nang maupo ang Bise Presidente noong July 1.