Inilunsad ng tanggapan ni Vice President Leni Robredo ang isang inisyatibo na gagabay sa mga guro at magulang sa pagintindi ng distance learning, na isa sa kaakibat na adjustments ng balik-eskwela sa gitna ng pandemya.
We launched our BAYANIHAN e-SKWELA Instructional Video Series today, with materials to help teachers and parents in the shift to distance learning.
— Leni Robredo (@lenirobredo) August 16, 2020
Please subscribe to our YouTube channel and share it with teachers and parents, too: https://t.co/jonbSDy15j
Ang Bayanihan e-Skwela ay isang plataporma kung saan mapapanood ang ilang academic experts at volunteers na maghahayag ng kanilang paliwanag at pananaw sa magiging sistema ng edukasyon sa ilalim ng new normal.
“The series includes videos that provide insights from academic experts on the changes in the education system under the new normal, as well as approaches, techniques, and other tips for teaching and assisting learners in different grade levels.”
“The episodes come with briefers, which may be read in the captions of the videos, or downloaded in PDF format.”
Sinisikap na raw ng Office of the Vice President na magawan ng paraan ang distribusyon ng materyales sa mga komunidad na walang access sa internet.
Ikakarga kasi sa Youtube channel at Facebook page ng Bayanihan e-Skwela ang mga videos nito.
Ilan sa mga magsasalitang experts ay mula sa University of the Philippines’ College of Education, College of Music, UP Integrated School at mga teachers ng Culiat Elementary School sa Quezon City.
May mga estudyante rin daw mula sa UP Special Education Area na magbabahagi ng kanilang mga paliwanag.
“This project is a collaboration among academic experts, production houses, and other members of the creatives and entertainment industry, who volunteered their services for the cause.”
“The production of the videos is made possible by production houses, advertising and digital content agencies, filmmakers, writers, animators, graphic artists, music composers, celebrities, voice talents, and other creatives who have taken part in this initiative.”
“Also assisting the OVP in this project are Habi Education Lab and Canva.”
Kung maaala, una nang nagtayo ng Community Learning Hubs ang tanggapan ni VP Leni, kasama ang ilang partners sa pribadong sektor, na maaaring puntahan ng mga estudyanteng walang access sa gadgets, internet at iba pang kailangan sa bagong sistema ng edukasyon.
“Pero iyong lahat na community learning hubs, Ka Ely, mayroong kopya ng mga videos. Magpoproduce din kami sa mga USB para puwedeng ipadala sa mga schools na walang access. So naghahanap pa tayo, Ka Ely, ng ibang mga partners para makatulong sa atin. Para makatulong sa atin na—makatulong sa atin na magdistribute nitong lahat,” ani Robredo sa kanyang weekly radio program.
Nitong Biyernes nang iurong ng Department of Education sa October 5 ang pagsisimula ng klase sa pampublikong mga eskwelahan, matapos kanselahin ang dapat sanang schedule sa August 24.
Ang mga pribadong paaralan naman na nakapag-simula na ng klase ay maaar daw mag-desisyon kung ititigil muna nila ang kanilang klase para sumabay sa Oktubre.