On hold pa rin ang Overseas voting sa Shanghai, China dahil pa rin sa mga lockdown na ipinaiiral ngayon doon.
Sa kabila ito ng unti-unting pagbaba ng mga kaso ng COVID-19 sa lungsod kung saan ay mas mababa na lamang sa 20,000 ang bilang ng ma naitatala sa araw-araw.
Inamin ni Consul General Josel Ignacio na dahil sa mga lockdown ay hindi pa rin nakukuha ng konsulado ang election materials mula sa Chinese Customs.
Ngunita naiya sa ngayon ay patuloy pa rin ang kanilang pakikipag-ugnayan sa Shangkai Foreign Affairs Office upang mapahintulutan na muli ang kanilang pagbubukas.
Mayroon naman daw kasing iba pang paraan para makaboto ng personal sa foreign service posts ang mga kababayan natin doon, tulad ng Philippine Consulates sa Xiamen, Hong Kong, at Macau.
Kinakailangan lamang na makapaghain ang mga ito ng kanilang manifestation para bumoto sa isa pang post bago sumapit ang April 30.
Samantala, batay sa pinakahuling datos ay tinatayang nasa 1,600 ang kabuuang bilang ng mga rehistradong Filipino overseas voters sa China, karamihan sa mga ito ay mula sa Shanghai habang ang ilan naman ay nasa Zhejiang, Jiangsu, Anhui, at Hubei.