Pinapaimbestigahan ni Anakalusugan party-list Rep. Mike Defensor sa Kamara ang pagbili ng Quezon City government ng 400,000 face shields na aniya’y overpriced ng P24 million.
Sa House Resolution No. 2143 na kanyang inihain, kinalampag ni Defensor ang Kamara para maimbestigahan ang naturang usapin, alegasyon na itinanggi naman kaagad ni Mayor Joy Belmonte.
Ayon kay defensor, nabili ng Quezon City government ang ilang daang libong face shield noong Disyembre 21, 2020 sa halagang P67.50 bawat isa mula sa Strength Medical and Drug Supply.
Mahal aniya ito ng 600 na beses kung ikukumpara sa P10 bawat isa na presyuhan ng face shield sa Binondo, Manila.
Kung nagkaroon lang din aniya sana ng wastong bidding process, sinabi ni Defensor na 2.7 million piraso pa sana ng face shield ang nabili ng Quezon City government.