-- Advertisements --

Lusot na sa House ad hoc committee on military and uniformed personnel pension system ang substitute bill sa mga panukalang batas na naglalayong i-overhaul ang MUP pension system sa bansa para gawin itong mas fiscally sustainable na hindi naman nasasakripisyo ang iba’t ibang concerns ng uniformed servicemembers sa bansa.

Kabilang sa mga nabago sa panukalang batas bago ito maaprubahan ng komite ay ang karagdagang disability benefits sa authorized insurance system bukod pa sa natatanggap na mga benefits sa kasalukuyan na hahawakan naman ng bubuuin na Trust Fund Committee.

Tatanggalin na rin ang automatic indexation pero papanatilihin naman ang no-contribution scheme, magkakaroon ng pension increases base sa cost-of-living adjustment, gawing 56 ang retirement age habang 20 years naman ang optional retirement, at mas mataas na risk insurance coverage para sa mga sugatan o namatay sa gitna nang trabaho.

Sa taniya ni Salceda, aabot ng 9.6 trillion ang unfunded liabilities ng pamahalaan dail sa kasalukuyang MUP pension scheme.

Ang halagang ito ay katumbas na rin aniya ng 53.4 percent ng 2020 nominal gross domestic product ng bansa.

Umabot ito sa naturang halaga dahil walang contribution system ang mga military at uniformed personnel, at dahil mas mataas din ang MUP pensions kumpara sa mga natatangaal ng civilian personnel.

Iginiit ng kongresista na ito ang “longest-standing fiscal issue” na kinakaharap ng bansa, na nagsimula noon pang 1978.

Noong 2006 pa aniya nang unang maihain sa Kongreso ang panukalang batas na magwawasto sa problemang ito pero hanggang sa kasalukuyan ay wala pang naipapatupad na reporma pagdating sa pensyon ng mga military at uniformed personnel.