-- Advertisements --

carloscpnp

Pinangunahan ni Department of the Interior and Local Government o DILG Sec. Eduardo Año ang retirement honors bilang kinatawan ni Pangulong Rodrigo Duterte para kay outgoing PNP (Philippine National Police) Chief Gen. Dionardo Carlos Carlos. kahapon, May 6.

Ito’y sa gitna ng pormal nang pamamaalam ni Carlos sa hanay ng pulisya dahil magreretiro na bukas, May 8.

Dumalo rin sa okasyon ang PNP Command Group sa pangunguna ng Officer-In-Charge (OIC) at Deputy Chief for Operations na si P/LtGen. Vicente Danao Jr.

Sa kaniyang talumpati, nagpasalamat si Carlos kay Pangulong Duterte at sa buong 225,000 opisyal at miyembro ng PNP sa tiwala at kumpiyansang ibinigay sa kaniya.

Kasunod nito ay iginawad din ni Año kay Carlos ang Presidential Legion of Honors, iba’t ibang parangal at mga memento bilang pabaon ng PNP sa kaniyang pagreretiro.

Batay sa binasang retirement order ni Pol. M/Gen. Herminio Tadeo, PNP Director for Personnel and Records Management, epektibo ang retirement ni Carlos sa May 8 kung saan otomatiko namang uupo si Danao bilang OIC.