-- Advertisements --
Dumipensa ang direktor ng isa sa pinakamalaking ospital sa Indonesia na sapat ang mga kagamitan ng naturang bansa upang kontrolin ang coronavirus infectious disease (COVID-19).
Nakapagtala na ng 141 kaso sa nasabing bansa na nagbunsod ng takot sa maliit na populasyon nito. Ikinababahala rin ng ilang medical professionals sa Indonesia ang kakulangan sa impormasyon at hindi malinaw na kaso ng sakit.
“We can’t doubt our skills and the facts we gather,” saad ni Muhammad Syahril, direktor ng Sulianti Saroso hospital sa Jakarta.
Pumalo na sa 85,000 katao ang tinamaan ng sakit sa buong mundo at 2,800 ang namatay.










