-- Advertisements --

ILOILO CITY – Bumitak ang ilang gusali sa bayan ng San Joaquin, Iloilo kasunod ng 12 beses na pagyanig na naramdaman din sa katabing mga bayan at maging sa lungsod ng Iloilo.
Sa panayam ng Bombo Radyo kay Kenneth Lacerna, Municipal Disaster Risk Reduction and Management Officer ng San Joaquin, Iloilo, sinabi nito na nakitaan ng bitak ang San Joaquin Mother and Child District Hospital at isang day care center.
Nilinaw naman ni Lacerna na mayroon nang bitak ang nasabing mga gusali ngunit lumala ito kasunod ng serye ng paglindol kung saan magnitude 4.5 ang pinakamalakas na pagyanig.
Tiniyak naman nito na walang epekto sa structural integrity ng building ang nasabing mga bitak.
















