Pumanaw na sa edad na 79 ang sikat na aktres na si Diane Keaton, kilala sa kanyang Oscar-winning role sa “Annie Hall” at iconic na pagganap sa “The Godfather” at “The Wives Club”.
Kinumpirma ito ni Dori Rath, producer na katrabaho ni Keaton. Wala naman detalye na inilabas kung ano ang dahilan ng pagkamatay ng aktres maliban sa pahayag ng Los Angeles Fire Department kung saan nag responde sila umano sa bahay ni Keaton alas 8:00 ng umaga nitong Sabado at dinala ito sa ospital.
Kilala si Keaton dahil sa angking galing nito sa pagpapatawa at husay sa pananamit. Nagsimula ang kanyang pagsikat noong 1970’s kung saan gumanap ito bilang “Kay Adams” sa palabas na “The Godfahter” Habang ang kanyang naging kolaborasyon sa Direktor na si Woody Allen ang naging daan sa pagtuloy-tuloy ng magandang karera nito sa industriya hanggang sa masungkit niya ang Academy Award for Best Actress noong 1978.
Samantala, ipinanganak naman si Keaton sa Los Angeles taong 1946, Nag aral ito ng pag-arte sa Nieghborhood Playhouse sa New York bago ang kanyang unang pagtatanghal sa Broadway. Maliban sa pag-aarte si Keaton ay isang direktor, producer, photographer at bestselling author.