-- Advertisements --
Pumanaw na ang Oscar winning actress na si Louise Fletcher sa edad 88.
Kinumpirma ito ng kaniyang agent na si David Shaul.
Hindi na ito nagbigay pa ng ibang detalye ng kamatayan ng actress at sinabi lamang na ito ay “natural cause” sa kaniyang bahay sa Montdurausse sa France.
Noong nakaraang mga taon kasi ay sumailalim na ito sa operasyon dahil sa breast cancer.
Nakilala ang actress sa pagiging kontrabida na nurse sa “One Flew Over The Cuckoo’s Nest,”
Ang character kasi nito na isang nurse ay naipili bilang fifth-greatest villain sa kasaysayan ng pelikula ng American Film Institute.