-- Advertisements --

Pasok na sa second round ng Australian Open si defending champioin Naomi Osaka.

Ito ay matapos talunin niya si Camila Osorio ng Colombia sa score na 6-3, 6-3 sa Rod Laver Arena.

Sa simula pa lamang ng laro ay tinambakan na ng Japanese tennis star ang kalaban 5-0.

Hindi na nito pinabayaan na makalamang pa ang Colombian tennis player.

Susunod na makakaharap niya sa sinumang magwagi sa pagitan nina Dayana Yastremska o Madison Brengle.