-- Advertisements --
Umatras na sa paglalaro sa Italian Open si Japanese tennis star Naomi Osaka.
Nagtamo kasi ito ng injury sa kaniyang kaliwang Achilles.
Nakuha nito ang nasabing injury sa unang round ng Madrid Open.
Nabigo na ito sa ikalawang round ng Madrid Open dahil sa nasabing injury kay Sara Sorribes Tormo ng Spain.
Dahil dito ay papalitan na siya ni Nuria Parrizas Diaz ng Spain sa Italian Open.










