Tinambakan ng Orlando Magic ang Houston Rockets ng 30 big points sa una nilang paghaharap sa NBA 2023-2024 season.
Nagtapos ang naturang laban sa 116 – 86.
Naging malamya ang depensa at opensa ng Rockets sa kabuuan ng laro, lalo na sa pagsapit ng 4th quarter kung saan umabot lamang sa 17 ang kanilang naipasok na puntos.
Nanguna sa opensa ng Magic ang dalawa nitong mga bagitong players na sina Cole Anthony at Franz Wagner na nagbuos ng 20 at 19 points, batay sa pagkakasunod.
Habang nagpakita naman ng all-around performance ang sophomore na si Paolo Banchero sa kanyang 12 points 5 rebounds at 5 assists.
Mistula namang inalat si Fred VanVleet sa kanyang Rockets debut, sa matapos siyang malimitahan lamang sa 14 points, limang assists at isang rebounds.
Sa panig pa rin ng Rockets, nagawa lamang nitong makapagpasok ng 32 points mula sa 78 nitong pag-attempt.
Labis na pinahirapan ng Magic ang Houston sa rebounding matapos makakuha ang magic ng kabuuang 55 rebounds, kumpara sa 31 lamang na nakuha ng Houston.
39 mula sa total rebounds ng Magic ay pawang mga defensive rebound.