Duda pa rin ang pamilya ng namatay na flight attendant na si Christine Angelica Dacera, sa inilabas na bagong autopsy report ng mga pulis sa labi ng dalaga.
Sa pagharap ngayong Biyernes ng ina ni Ica na si Sharon at legal counsel na si Atty. Brick Reyes, sinabi ng mga ito na hindi naalis ang kanilang duda hangga’t walang kompletong pagsusuri, kagaya ng DNA.
Hindi naniniwala ang kampo ni Dacera sa isyung may heart enlargement si Christine, dahil sa wala namang na-detect na ganito sa mga regular na medical examination ng PAL.
At lalong mahirap daw sa flight attendant ang bumabyahe ng 30,000 feet na may ganito palang karamdaman.
Giit ni Atty. Reyes, kung mapapatunayang hindi kay Dacera ang mga sinuring organs, malaki ang magiging epekto nito sa takbo ng kaso.
Kaya naman, ipupursige umano nila ang DNA test para sa bawat piraso ng sample na isinailalim ng mga pulis sa kanilang autopsy.














