ORCOLLO

Umusad na sa semifinals ang dalawang Pinoy billiard masters na sina Dennis Orcollo at Carlo Biado makaraang malaglag kanina ang dalawa pang kababayan sa nagpapatuloy na prestihiyosong US Open Pool Championship na ginanagap sa Harrah’s Resort sa Atlantic City.

Una rito, minalas kanina ang dalawa pang Pinoy na sina Rodrigo Geronimo at Johann Chua nang matalo sa round of 16.

Ang beteranong si Orcollo ay haharapin si Aloysius Yapp ng Singapore na tumalo kay Geronimo.

Si Biado na tumalo sa kababayang si Chua ay makikipagtuos naman kay Naoyuki Oi ng Japan.

BIADO

Ito ang unang pagkakataon na all-Asian ang umusad sa final fourt sa US Open Pool Championship sa kasaysayan.

-- Advertisement --

Malaki naman ang posibilidad na maging All-Pinoy ang bakbakan sa finals kung kapwa mananalo sa magkahiwalay na laro sina Orcollo at Biado.