-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Labis ang pasasalamat ng mga residente ng tatlong barangay mula sa mga bayan ng Matalam at Makilala, Cotabato matapos bisitahin ang mga ito ng mga kawani ng Office of the Provincial Veterinarian (OPVet) para sa isang veterinary mission.

Batay sa isinumiteng datus ng tanggapan, abot sa 369 na mga domestic animals gaya ng aso at pusa ang nakatanggap ng libreng anti-rabies vaccine, 340 naman ang nakatanggap ng dewormimg, 407 na mga hayop ang nakatanggap ng vitamin supplements at 23 hayop na may sakit naman ang sumailalim sa treatment.

Kabilang sa mga barangay na nakinabang sa programa ay kinabibilangan ng Brgy. Lower Malamote at New Bugasong, Matalam at Brgy. Taluntalunan Makilala.

Ayon kay OPVet Head Dr. Rufino Sorupia, isa ang veterinary mission sa mga programang nais palakasin ng administrasyon ni Governor Emmylou Taliño Mendoza sa layuning maprotektahan ang mga domestic at farm animals sa lalawigan kontra sa mga nakakahawa at nakamamatay na sakit ng hayop na maaari ring makaapekto sa tao.