Muling binuhay ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang “Oplan Isnabero” laban sa mga taxi drivers na namimili ng pasahero.
Ayon sa LTFRB, inaasahan na nila ang pagdami ng pasahero ngayong kapaskuhan ay hindi rin maiwasan na may mga taxi drivers din ang mananamantala gaya ng mamimili ng pasaherong isasakay.
Hinikayat din ng ahensiya ang mga pasahero na agad isumbong sa kanila ang mga tax drivers na mapagsamantala.
May mga inilabas silang mga hotlines at mga QR-codes na inilagay sa mga pampublikong lugar nakakabit sa mga pampublikong sasakyan para doon maaaring isumbong ng mga pasahero.
Ang sinumang taxi drivers na mapatunayang snub o namimili ng pasaherong isasakay ay mahaharap sa mga sumusunod na multa gaya ng P5,000 sa first offense, P10,000 sa 2nd offense at P15,000 sa ikatlo na maaaring matanggalan pa ng lisensya.










