-- Advertisements --

Inamin ng senior intelligence officer sa US Department of Homeland Security ang ginawang pananakot sa kaniya ng mismong pinuno ng naturang departamento para lang i-downplay nito ang banta ng Russia sa gaganapin na 2020 US presidential election sa Nobyembre.

Sa naging pahayag ng whistleblower na si Bryan Murphy, isiniwalat nito na na-demote siya sa kaniyang tungkulin matapos tumanggi na palitan ang reports tungkol sa Russia at iba pang isyu.

Kasama na rito ang mainit na usapin tungkol sa white supremacy na nagbunsod ng malawakng kilos-protesta sa bansa.

Ayon kay Murphy, hindi nito sinunod ang naturang direktiba dahil iligal ito.

Tikom naman ang kampo ng White House at Department of Homeland Secrutiy sa mga alegasyon ng naturang opisyal.

Inilabas ng Democratic-led House Intelligence Committee ang reklamo ni Murphy makaraang atasan ito na tumestigo sa Kongreso.