-- Advertisements --
Dumating na sa North Korea ang delegasyon ng Russia at China para dumalo sa ika-70 anibersaryo ng pagtatapos ng Korean War.
Pinangunahan ni Russian Defence Minister Sergei Shoigu ang Russia kasama ang delegasyon ng China na si Li Hongzhong ang miyembro ng Communist Party central policymaking committee.
Ito ang unang pagkakataon na naganap sa North Korea matapos na buksan ang borders dahil sa COVID-19.
Ang dalawang bansa ay matagal ng kaalyado ng North Korea kung saan nagpadala pa ang China ng kaniyang sundalo noong 1950 bilang suporta sa laban nito sa South Korea.