-- Advertisements --
Kinumpirma ngayon ni Department of Justice (DoJ) Sec. Menardo Guevarra na isang opisyal ng National Bureau of Investigation (NBI) ang nagpositibo sa Coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Pero tumanggi nama ang kalihim na pangalanan pa ang naturang opisyal.
Ayon sa kalihim, naka-quarantine na ang naturang NBI official.
Tiniyak naman ni Sec. Guevarra na ginawa narin ng NBI ang lahat ng kinakailangang pag-iingat kabilang na ang pagpapatupad ng temporary shutdown sa mga opisina ng NBI.
Nagsasagawa narin anya ng contact tracing at naka-self quarantine na ang ilan sa mga ito.
Sinabi naman ni DoJ Spokesman Markk Perete, sa Facebook post na lang din umano ng naturang opisyal ng NBI niya nalaman na mayroong nagpositibong opisyal ng NBI.










