-- Advertisements --
Itinanggi ng senior leader ng Hamas na may mga sibilyan silang napatay sa Israel.
Sinabi ni Moussa Abu Marzouk na iniwasan nila ang mga bata at mga kababaihan sa atake ng Hamas.
Pahayag ito ng Hamas lider matapos ang isang buwan ng maganap ang pag-atake ng Hamas sa Israel noong Oktubre 7.
Pagtitiyak naman nito na mapapalaya ang mga bihag nila subalit kailangan ng matigil ang pag-atake ng Israel sa Gaza.