-- Advertisements --

STAR FM CEBU – Nagpositibo sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) si Daanbantayan Cebu Mayor Sun Shimura sa inilabas ang resulta ng test nito kahapon, Hunyo 21.

Ayon sa alkalde, sumailalim ito sa rapid test noong Hunyo 15 ngunit negatibo naman ang resulta.

Gayunman, nagsimula itong makaranas ng lagnat at ubo nitong Hunyo 18 kaya nagdesisyong magpakonsulta na sa doktor.

Dito na siya sumailalim sa swab test nitong Sabado at agad namang lumabas ang resulta.

Bago ito, nagawa pa ni Shimura na dumalo sa pagpupulong sa kapitolyo kasama ang iba pang mayor ng lalawigan sa Cebu noong Hunyo 17.

Samantala, nagpatupad ito ng temporaryong pagsuspinde sa operasyon ng kanyang tanggapan sa loob ng isang linggo at ipinag-utos na rin ang pag-disinfect sa buong munisispyo ngayong Lunes.