-- Advertisements --

Ipinauubaya ng Department of Trade and Industry sa mga local government units (LGUs) kung ano ang nararapat na operating capacity sa kanikanilang mga lugar.

Pahayag ito ni Trade Sec. Ramon Lopez matapos na sabihin ng mga alkalde sa Metro Manila ang kanilang pagnanais na paunti-unting buksan ang mga establisiyemento matapos na ibalik ang rehiyon sa ilalim ng general community quarantine (GCQ) status.

Ayon kay Lopez, “ang hiling po kasi ng Metro Manila mayors mas maingat muna ang pagbukas natin pagbalik sa GCQ.”

Ito aniya ang dahilan kung bakit umaapela rin ang mga ito na payagan ang mga food service workers at iba pang authorized persons outside residence na makabiyahe lagpas ng alas-8:00 ng gabi.