Inanunsyo ng Philippine National Railwats na pansamantala muna nitong ititigil ang kanilang operasyon sa Metro Manila sa loob ng limang taon simula sa darating na Marso 28, 2024.
Ayon sa pamunuan ng PNR ito ay upang magbigay-daan sa konstruksyon ng North-South Commuter Railway sa layuning mas mapabilis pa ito ng walong buwan upang mas makatipid ng Php5.18 billion.
Dahil dito ay maaapektuhan ang operasyon nito mula Governer Pascual-Tutuban station, at Tutuban-Alabang.
Kaugnay nito ay sinabi rin ng PNR na may inasikaso na ang transportation department na mga alternative bus routes para sa mga pasaherong maaapektuhan ng suspension ng Metro Manila operations nito.
Ang naturang mga bus inaasahang magbababa at magsasakay ng mga pasahero malapit sa kasalukuyang Tutuban-Alabang route and vise versa mula alas 7:30am to alas-9:00pm para sa southbound trips, at alas-5:00am hanggang alas-6:10pm para sa northbound trips.
Samantala, ayon sa mga otoridad kapag nakumpleto na ang North-South Commuter Raiway ay inaasahan na mas mapapaikli nito ang travel time mula Clark, Pampanga hanggang Calamba, Laguna sa loob ng hindi aabot ng dalawang oras sakay ang nasa 800,000 na mga pasahero araw-araw na inaasahan din mag-aambag sa pagluwag ng trapiko sa Metro Manila. (With reports from Bombo Marlene Padiernos)