-- Advertisements --
image 166

Nag anunsyo na rin ang Philippine National Railways (PNR) na pansamantala muna silang magsususpinde ng kanilang operasyon ngayong araw nang dahil sa Bagyong Karding.

Sa isang advisory ay sinabi ng pamunuan ng naturang railway na kasunod nito ay magbibigay sila ng update hinggil sa muling pagbabalik ng byahe ng nasabing tren.

Samantala, nagpaabot naman ng pasasalamat ang management ng PNR para sa pag-unawa ng publiko ukol dito.

Matatandaan na kahapon naganap ang ikalawang landfall ni Bagyong Karding sa lalawigan ng Aurora.