Pansamantalang sinsuspendi ang mga flights at ground operations sa may Ninoy Aquino International Airport (NAIA) dahil sa lightning red Alert na itinaas ng Airport ground operations and Safety Division kaninang 2:13 pm.
Ayon sa Manila International Airport Authority (MIAA), inisyu ang alerto bilang safety measure para mapigilan ang anumang untoward incident dahil sa kidlat at maiwasang malagay sa panganib ang mga personnel, pasahero at sa operasyon ng paliparan.
Sa hiwalay na update mula sa MIAA, ibinaba na ang lightning red alert sa yellow alert dakong 2:30 pm.
Naibalik na rin ang flight operations sa NAIA.
Una ng iniulay ng state weather bureau na makakaranas ang Metro Manila at nalalabing parte ng bansa ng bahagynag maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may manaka-nakang pag-ulan o thunderstorms habang makakaapekto naman ang Intertropical Convergence Zone sa Mindanao.