
Kinumpirma ngayon ng Department of Transportation (DoTr) na nadagdagan pa ang bilang ng mga Coronavirus disease 2019 (COVID-19) positive sa MRT 3 depot.
Ayon sa MRT, nasa kabuuang 127 na empleyado na ng MRT 3 depot ang nagpositibo sa naturang virus.
Sinabi ng DoTr na sa naturang bilang, 124 ang nasa ilalim ng MRT 3 service provider na Sumitomo Mitsubishi.
Dahil dito, ayon kay Transport Undersecretary TJ Batan, babawasan na rin nila ang bilang ng mga tren na ide-deploy sa mainline sa susunod na linggo dahil sa pagpositibo ng mga personnel sa MRT 3 depot.
Sa kasalukuyang sitwasyon, plano na nilang i-reduce ang kanilang operasyon ng 10 hanggang 12 tren simula sa susunod na linggo.
Sa ngayon, wala pa umano silang planong i-shutdown ang MRT3 pero mahigpit naman nilang mino-monitor ang sitwasyon.










