-- Advertisements --
MIAA

Posibleng abutin ng 72 oras o tatlong araw para bumalik sa normal ang mga operasyon ng airlines matapos ang naranasang power outage sa Manila’s Air Traffic Management Center noong New Year’s day na nakaapekto sa mahigit 50,000 pasahero.

Ito ang pagtaya ni manila International Airport Authority (MIAA) General manager cesar chong base na rin sa kanilang naranasan epekto ng nagdaang mga bagyo na nakaapekto sa operasyon ng mga paliparan.

Ayon pa kay Chong hindi pa bumabalik sa ngayon ang full operation ng ninoy Aquino International Airport (NAIA) na busiest gateway ng bansa.

kasalukuyang mayroong 20 flights ang apektado pa rin o kinansela ng ilang airlines dahil sa operational requirements.Subalit nakikipag-uganyan na rin aniya sila sa iba pang airlines upang ma-upgrade ang ilang flights sa mas mataas na capacity aircraft upang mas marami pang mga pasahero ang ma-accommodate.