-- Advertisements --

KALIBO, Aklan —- Inilatag ng bagong port administrator ang mga hakbang upang lalo pang mapabuti ang operasyon ng Caticlan at Cagban ports sa Malay, Aklan sa harap ng muling pagdami ng mga pasahero at turista papuntang Isla ng Boracay.

Si dating provincial board member Esel Flores ay kauna-unahang Malaynon na itinalaga sa naturang posisyon na naging epektibo noong Hulyo 4, 2022.

Bilang pangunahing main gateway sa Boracay, sinabi nito na aayusin nila ang kanilang serbisyo upang hindi maging magulo ang pagpasok at paglabas ng mga pasahero sa nasabing port terminals.

Maliban sa mga pumupunta sa isla, dinadaanan rin ang Caticlan jetty port ng mga pasahero sakay ng roll-on roll-off vessels mula Batangas at Mindoro.

Paghuhusayin rin umano nila ang security screening sa mga pasaherong bumababa at umaakyat sa mga motorbanca at mga barko.