-- Advertisements --
Pinuri sa buong mundo ang pormal na pagbubukas ng 30th Southeast Asian Games.
Ipinarating ng karamihan ang kanilang pagkamangha sa social media kung saan napuno ang Philippine Arena.
Mas lalong humanga ang mga manonood sa performance ng mga local singers sa bansa.
Kabilang sa kumanta ay sina KZ Tandingan, Elmo Magalona, Inigo Pascual, Christian Bautista, Anna Fegi, Jed Madela, Aicelle Santos, Robert Sena, TNT Boys at Lani Misalucha.
Napaindak ang mga nanood ng personal sa Philippine Arena ng kumanta na ang mga local artist.