
Inanunsiyo ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) na naibalik na ang kanilang online services matapos ang indidente ng cyberattack kaninang alas-12 ng tanghali lamang.
Kayat maaari ng maaccess ng publiko ang corporate website at member portal nito.
Gayundin ang e-Cliams system ay inaasahan na fully operational din ngayong araw.
Una ng tinarget ang sistema ng Philhealth ng tinatawag na Medusa ransomare noong Setyembre 22 na nagtulak sa Department of Information and Communication Technology (DICT) na agarang i-shutdown ang mga application systemns ng ahensiya para mapigilan ang pagkalat ng virus.
Itinanggi din ng Philhealth ang alegasyon ng umano’y leak sa data ng mga miyembro nito sa isang dark web.
Tiniyak naman ng korporasyon sa publiko ang integridad at seguridad ng kanilang database at sinigurong hindi maapektuhan ang mga benefits ng mga miyembro dahil sa insidente.