-- Advertisements --

Pinag-iingat ngayon ng pulisya ang publiko sa posibleng paglaganap ng mga online scams lalo na’t nalalapit na ang holiday season.

Sa mensahe ni Police Regional Office-7 director police Brigadier General Roderick Augustus Alba, sinabi pa nito na panahon ito na maaaring magsamantalaa ang mga may pakana sa online modus.

Kaugnay nito, pinaalalahanan ni Alba ang publiko na mag-ingat sa mga text message, email, at tawag na natatanggap mula sa mga hindi rehistradong numero o email addresses.

Hangga’t maaari pa ay agad itong burahin at wag nang i-click ang anumang natanggap na kahina-hinalang link.

Sinasamantala pa ng mga online scammers ang kanilang mga biktima upang makakuha ng pera mula sa mga ito o iba pang mahalagang personal na impormasyon sa pamamagitan ng mga email account sa personal o trabaho, mga social networking site, dating app, o iba pang mga pamamaraan.

Sinabi naman ng opisyal ng pulisya na iwasang maging biktima ng mga online scams at agad isumbong sa mga otoridad sakaling may impormasyon ukol dito.

“Maging maingat sa mga text message, email at tawag na natatanggap mula sa unregistered number or email address. Hangga’t maaari, burahin ang mga ito at wag ng i-click. Ngayong papasok ang holiday season, maaaring magsamantala ang mga may pakana ng mga online modus kaya mas doble pag-iingat ang kailangang gawin,” saad pa ni Alba.