Tiniyak ngayon ng Bureau of Immigration (BI) na mas pagagandahin pa nila ang kanilang online appointment system sa gitna na rin ang mga concerns ng publiko.
Noong buwan ng Hunyo ngayong taon nang nagpatupad na ng online appointment system para siguruhing masusunod ang social distancing protocols kasunod na rin ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.
Ayon kay Bureau of Immigration (BI) Commissioner Jaime Morente, kinikilala naman ng BI ang concern ng publiko kaugnay pa rin ng limitadong availability ng schedule sa kanilang system.
Bilang long term plan, sinabi ni Morente na magpapatupad ang mga opisina ng Immigration ng system na hiwalay ang appointment ng mga accredited entities na mayroong bulk application.
Sa pamamagitan ng bulk processing ay malilimitahan daw ang person-to-person contact para maiwasan ang pagkalat ng virus.