-- Advertisements --

Isa na namang mapalad na tagasubaybay ng Bombo Radyo Philippines ang nadagdag sa humahabang listahan ng mga miyembro ng Bombo Millionaire’s Club.

Ito ay matapos mabunot sa Grand Draw ng One Two Panalo Part 22! ng Bombo Radyo at Star FM, araw-araw, balde-baldeng pa-premyo na may cash-siyahan pa! ang mapalad nating entry sender na nagmula sa Maribbay St., Tuguegarao City.

Ang kaniyang proof of purchase ay Creamsilk conditioner.

Siya ay si Evelyn Taguba, na nagpadala ng entries sa Bombo Radyo Tuguegarao.

Maliban sa kaniya, wagi naman ng P50,000 ang mga sumusunod:

(Mindanao) – Korina Olivar, ng Opol, Misamis Oriental, ang proof of purchase ay Sunsilk shampoo (nabunot sa Bombo CdeO)

(Visayas) – Jennifer Gacang, ng Pinamungahan, Cebu, at ang proof ofpurchase ay Orocan (nabunot sa Bombo Radyo at Star FM Cebu)

(Luzon) – Merien Factor, ng Purok 7, District 3, Cauayan City, Isabela, ang proof of purchase ay Sunsilk shampoo (nabunot sa Bombo Cauayan)

(NCR) – Reyzel Bassig, ng Navotas West, Navotas City, ang proof of purchase ay Sunsilk shampoo (nabunot sa Star FM Manila)

Sa kabuuan, mayroong P6.5 million ang ipinamigay sa kabuuan ng promong ito.

Kaya naman, nagpapasalamat ang Bombo Radyo Philippines sa sponsors ng One Two Panalo Part 22! Kabilang na ang: Sunsilk Shampoo, Creamsilk Conditioner, Orocan, Winner Dishwashing, Sced Panyawan at Cebuana Lhuillier.

Sa mga hindi pinalad, baka kayo naman ang magwawagi sa susunod.

At sa ngalan ng aming Chairman Dr. Rogelio M. Florete, ang aming President/CEO Ms. Margaret Ruth Florete, lubos po ang aming pagpapasalamat sa inyong mga nakilahok sa matagumpay na promong ito.