Magtatagal hanggang sa Martes, Marso 16 ang pagsasara suspensiyon ng on-site work sa Department of Justice (DoJ) offices dahil na rin sa isasagawang Coronavirus disease 2019 (COVID-19) disinfection.
Ayon kay Justice Sec. Menardo Guevarra, kasunod na rin ito ng ilang kaso ng COVID-19 na naitala sa DoJ.
Ang mga personnel naman ng Justice department na apektado ng disinfection ay itutuloy ang kanilang mga trabaho sa kanilang mga bahay.
Kung maalala noong Huwebes nang isinara rin ang mga opisina ng Supreme Court (SC) na na katabi lamang ng DoJ para sa disinfection hanggang bukas.
Ito ay bahagi na rin ng precautionary measure sa gitna na rin ng muling pagtaas ng kaso ng covid sa bansa.
Pero mula Marso 15 hanggang 19, required naman ang SC na magkaroon ng skeleton force ng 50 percent ang mga magre-report sa kanilang mga trabaho.