Kinuwestyon ni Ombudsman Samuel Martires ang pagsasara ng National Food Authority warehouses sa gitna ng nagpapatuloy na imbestigasyon ng kaniyang opisina sa umano’y iregularidad sa pagbebenta ng rice buffer stock.
Ayon sa Ombudsman hindi patas na sisihin ito na hindi nakakabili ng rice stock sa mga nakalipas na araw dahil sa pagsasara ng mga warehouse.
Iginiit ng Ombudsman na hindi kailangan isara ang mga warehouse ng NFA.
Binigyang diin pa ng Ombudsman na dapat magkaroon ng relievers para sa mga suspendidong warehouse personnel upang hindi maantala ang kanilang normal na operasyon.
Ginawa ng Ombudsman ang pahayag matapos na sabihin ng Department of Agriculture na 79 na warehouse pa ang kasalukuyang nakasara sa gitna ng isinasagawang imbestigasyon ng Ombudsman kaugnay sa maanomalyang pagbebenta ngbigas sa pinaburang mga trader.
Angg mga warehouse na ikinandado ay mula sa Cagayan Valley, Western Visayas, at National Capital Region (NCR).