Umabot na sa ilang mga baybaying barangay sa Cavite ang oil spill mula sa lumubog na Motor Tanker Terranova sa Limay Bataan ayon kay Cavite Governor Jonvic Remulla.
Ani Remulla, naramdaman na nila ang oil spill kaninang madaling araw at naapektuhan na nito ang baybayin ng Ternate, Maragondon, Naic, at ilang parte ng Tanza.
Nakatakda umanong magpaabot ng tulong ang pamahalaang panlalawigan sa mga apektadong lokalidad.
Una na rito, iniulat ng grupo ng mga mangingisda na National Association of Elders of the Philippines (PAMALAKAYA) na umabot na sa Tanza ang oil spill, kung saan ang mga mangingisda at mga residente ay nakapansin ng kakaibang amoy sa munisipyo.
Sinabi ng Pamalakaya na mahigit 5,000 mangingisda ang maaaring maapektuhan ng oil spill at nagpahayag ng pag-aalala na maaaring mahawahan nito ang fishery resources at makaapekto sa farm gate prices.