-- Advertisements --

ILOILO CITY – Lumawak pa ang oil spill na tumagas mula sa sumabog na power barge ng AC Energy Corporation sa Zone 3, Bo. Obrero, Lapuz, Iloilo City.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Dado Relles, porter ng pump boat at residente ng Guimaras, sinabi nito na maraming mga pasahero na bumabyahe mula Iloilo-Guimaras vice versa ang nagrereklamo dahil sa masangsang na amoy mula sa bunker oil.

Ang ikinababahala ni Relles na mangyari ulit ang sitwasyon sa Guimaras noong 2006 kung saan maraming hanapbuhay ang naapektuhan sa malawak na oil spill.

Sa ngayon, nakoleta na ang 130,000 liters sa 251,000 liters ng tumagas na langis sa Iloilo Strait.