-- Advertisements --

Inanunsyo ng Petron Corporation na susupendihin nito ang operasyon ng kanilang oil refinery sa Bataan sa buwan ng Enero 2021.

Ginawa ng naturang kumpanya ang hakbang na ito para kontrolin ang lalo pa nitong pagkalugi dahil sa mahinang refining margins.

Sa isang pahayag, sinabi ng San Miguel-led petroleum company na dahil sa economic shutdown ay nagsagawa ito ng maintenance activities para sa mga key process units.

Ang refinery ng Petron ay ang natatanging petroleum refinery sa bansa makaraang tuluyan nang magsara ang Pilipinas Shell Petroleum Corp, sa Tabangao, Batangas City noong Oktubre.

Sa kabila nito, tiniyak naman ng Petron na hindi magkukulang ang supply ng langis dahil sa pagsasara nito sa 180,000-barrel a day oil refinery.

Sinabi naman ni Petron president Ramon Ang na ang pagsasara ng kanilang refinery ay hindi permanente at magbabalik ang operayon nito sa oras na maging maayos na ang sitwasyon.

Sa loob ng siyam na buwan, nalugi ang Petro ng P12.6 billion mula sa net income nito noong nakaraang taon na P3.6 billion. Itinuturong dahilan nito ang mababang demand ng petroleum products dahil sa napakahabang lockdown dulot ng COVID-19 pandemic.