-- Advertisements --

Magkakasabay na nagpatupad ang mga kumpanya ng langis ng bawas presyo sa kanilang mga produkto.

Kaninang ala-6 ng umaga ng sinimulan ipatupad ang bawas P1.60 sa kada litro ng gasolina habang mayroong P1.85 sa kada litro ng diesel.

Nagtapyas din ang kerosene ng P1.40 sa kada litro.

Ayon sa Oil Industry Management Bureau (OIMB) of the Department of Energy (DOE), na maaring nagkaroon ng oversupply hanggang sa pagtatapos ng taon ang itinuturong dahilan ng bawas presyo ng mga produktong langis.