-- Advertisements --

Nagsimula na ang mga kumpanya ng langis ng kanilang panibagong taas presyo sa kanilang produkto.

Magkakasabay kaninang alas-6 ng umaga ng ipatupad ng mga kumpanya ng langis ang dagdag na P0.40 sa kada litro ng gasolina, habang mayroong P1.50 sa kada litro ng diesel.

Mayroon namang dagdag na P1.25 ang dagdag sa kada litro ng kerosene.

Itinuturing Department of Energy na ang pagtataas ng presyo ng produktong petrolyo ay dahil sa mataas na demand sa China mula ng buksan nila ang kanilang ekonomiya.