Asahan muli ang pagtaas sa presyo ng mga produktong petrolyo sa susunod na linggo.
Batay sa inisyal na anunsyo ng mga industry players, asahang tataas ang presyo ng gasolina mula P0.10 to P0.50 kada litro.
Aangat naman ng P.35 hanggang P.65 ang kada litrong presyo ng diesel.
Habang sa Kerosene, maaaring tataas ito mula P.50 hanggang P.90 sa kada litro.
Ang inaasahang pagtaas sa presyo ng mga produktong petrolyo sa susunod na linggo ay ang ika-walong magkakasunod na linggo nang may maitalang taas-presyo.
Simula noong Hulyo-10, mayroon nang P12.50 na pagtaas sa kada-litrong presyo ng diesel, P11.85 naman sa kerosene, at P8.85 sa kada litro ng gasolina.
Kadalasang ipinapatupad ang pagbabago sa presyo ng mga produktong petrolyo tuwing araw ng Martes.