-- Advertisements --
Sinimulan na ng mga kumpanya ng langis ang kanilang dagdag presyo sa kanilang produkto ngayong araw.
Magkakasabay ng ipinatupad kaninang ala-6 ng umaga ang dagdag na P1.20 sa kada litro ng gasolina habang mayroong P1.40 na dagdag sa kada litro ng diesel.
Magpapatupad din ng dagdag na P1.30 sa kada litro ng kerosene.
Itinuturong dahilan ng Department of Energy na ang dagdag na presyo sa mga produktong langis ay ang desisyon ng Organization of Petroleum Exporting Countries na bawasan ang kanilang produksyon ng hanggang sa susunod na taon.